Tumanggap ng bagong bahay ang nasa 100 miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) mula sa sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), bilang bahagi ng patuloy na peace at reintegration efforts ng gobyerno sa Mindanao.
Naipamahagi ang mga kabahayan sa ginanap na seremonya sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay noong Agosto 17. Kung saan ang proyekto, ay may kabuuang halaga na mahigit P40 million, na isinagawa sa ilalim ng PAMANA Program ng OPAPRU at Modified Shelter Assistance Program (MSAP) ng sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), bilang bahagi ng patuloy na peace at reintegration efforts ng gobyerno sa Mindanao (DSWD).
Ayon kay OPAPRU Executive Director Cesar De Mesa, ang mga bahay ay simbolo ng pagkakaisa at hangaring bigyan ng maayos at ligtas na tahanan ang mga dating rebelde bilang bahagi ng kanilang pagbabalik-loob sa mapayapang pamumuhay.
Nagpasalamat naman si Mabuhay Mayor Edreluisa Caloñge sa proyekto at hinikayat ang mga benepisyaryo na pangalagaan ang kanilang natanggap.
Ang programang ay bahagi ng MNLF Transformation Program, na layong suportahan ang mga dating rebelde sa kanilang paglipat sa mapayapang pamumuhay bilang mga sibilyan.














