Premature pa para pangalanan ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagharap nito sa mga miyembro ng Malacanyang Press Corps.
Sinabi ng Pangulo nagsisimula pa lamang sila sa imbestigasyon upang matukoy ang puno’t dulo sa mga palpak at ghost flood control projects.
Aniya mainam pakinggan ang ulat ng mga tao mismo.
Dahil dito hinikayat niya ang publiko na magpadala ng video o larawan ng mga palpak na proyekto sa kani-kanilang mga lugar.
Hinimok din ng Pangulo ang media na magsaliksik kaugnay sa kontrobersiyal na flood control projects.
Pagtiyak nito na ang mga nakukuha nilang report ay kanilang ia-asses at isailalim sa validation lalo at kung may political issue, natalo sa kontrata at iba pa.
Pero kung mayruong sapat na ebidensiya agad itong aaksiyunan.
Siniguro ng Pangulo na magiging patas ang ikinakasang imbestigasyon at ang mga masasangkot na opisyal ay idadaan sa due process.