-- Advertisements --

Bagong recruit pa lamang ng Boston Celtics si Anfernee Simons ngunit ayon sa ulat ng The Stein Line, bukas na umano ang koponan sa pakikipag-usap para sa posibleng trade ng 26-anyos guard.

Nakuha ng Celtics si Simons mula sa Portland Trail Blazers kapalit ni Jrue Holiday noong nakaraang buwan.

Bagaman walang agarang plano na ipagpalit siya, mananatiling bukas ang Celtics sa mga alok hanggang sa trade deadline ng 2025–26 season.

Si Simons ay mayroong 24th overall pick noong 2018, at nagtala ng career average na 15 points kada laro sa 43.1% shooting, kabilang na ang 38.1% mula sa three-point line.

Nitong huling tatlong season sa Portland, umangat pa ito sa 20.7 points kada laro.

Bukod sa kontribusyon sa laro, nakatulong din si Simons sa Celtics na makatipid ng halos $40 million sa luxury tax sa darating na season dahil sa kanyang expiring contract.