-- Advertisements --

Pinahiya ng San Antonio Spurs ang Portland Trail Blazers sa kanilang homecourt, 120-108, sa Game 3 ng 2026 Playoffs.

Nakuha ng Spurs ang panalo sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang pangunahing scorer na si Victor Wembanyama.

Umangat ang rookie guard na si Stephon Castle na kumamada ng 33 puntos mula sa sampung field goals at sampung free throws.

Nag-ambag din si Dylan Harper ng 27 puntos at 10 rebounds mula sa bench. Bagaman lamang ang Portland sa unang bahagi ng laban, nagawa ng Spurs na baliktarin ang takbo sa second half sa pangunguna nina Castle at Harper.

Sa huling quarter, tuluyan nang dinomina ng Spurs ang laro sa pamamagitan ng 32-21 run upang makuha ang 12-point win.

Hindi naisalba ni Jrue Holiday ang Blazers kahit nagtala ng 12 field goals, kabilang ang limang three-pointers, sa loob ng 41 minuto.

Samantala, hindi nakaporma si Toumani Camara na may dalawang puntos lamang sa 33 minutong paglalaro.

Sa serye, naipanalo ng Spurs ang Game 1, ngunit naitabla ito ng Portland sa Game 2 bago muling lumamang ang San Antonio.