-- Advertisements --

Pumalo na sa higit 9.7 milyong indibidwal o katumbas ng 2.6 milyong pamilya ang kasalukuyang apektado pa rin ng mga nagdaang bagyong Crising, Dante at Emong ayon yan sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mula sa bilang na ito, 7,479 na pamilya o katumbas ng 28,500 na indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers habang 11,957 families o humigit kumulang 40,597 na indibidwal ang kasalukuyang napagsisilbihan at nahahatiran ng tulong na wala sa loob ng mga evacuation centers.

Maliban sa datos na ito, nananatili naman sa 37 na inbidwal ang nitalang nasawi sa mga nagdaang sama ng panahon kung saan lima rito ang beripikado na habang 32 naman ang sumasailim pa sa validation.

Samantala, nakapagtala naman ng kabuuang bilang na 108,375 na mga damaged houses ang NDRRMC na siyang mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, CARAGA, at Bangsomoro Region.