Bumaba na ang bilang ng mga ‘evacuees’ sa Maynila matapos maranasan ang paghagupit ng malakas na bagyong Uwan sa lungsod.
Nag-umpisa nang magsipag-uwian o makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga bakwit kasunod nang manalasa ang naturang bagyo.
Aabot na lamang kasi sa higit isang daan ang nasa iba’t ibang mga evacuation centers ang nasa listahan at base sa rekord ng Manila Department of Social Welfare.
Kung saan wala nang pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers ng ikalawang distrito hanggang sa ika-anim na distrito ng lungsod.
Tanging sa unang distrito ng Maynila ang mayroon mga indibidwal at pamilyang nanatili sa evacuation centers.
Kumpara simula kahapon at kaninang umaga na umabot sa bilang na higit 10-libo katao ang lumikas, 35 pamilya o 175 indibidwal na lamang ang nasa evacuation center.
Binigyang diin ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na ang muling pagbabalik ng mga bakwit sa kanilang mga tahanan ay hindi basta-basta lamang.
Aniya’y ang pag-uwi ng mga evacuees mula nang lumikas ay pinahihintulutan kasabay ng pagganda o pagkalma na ng panahon.
Ang naturang rekord ay mula sa alas-tres na bilang ibinahagi ng Manila Department of Social Welfare.
















