-- Advertisements --

Umakyat na sa 38 na indibidwal ang nasawi bunsod ng mga nagdaang pananalasa ng habagat at ilang mga bagyo batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDDRMC).

Ayon sa NDDRMC, tatlo mula sa bilang na ito ang kumpirmado na habang ang natitira naman ay sumasailalim pa sa beripikasyon.

Maliban dito ay umakyat na rin sa 33 ang mga sugtang indibidwal kung saan 24 na ang mga validated habang under verification pa ang ilan.

Batay rin sa datos ng NDRRMC, walong katao pa ang niulat na nawawala at kasalukuyan pa ring hinahanap ng mga otoridad.

Samantala, higit sa 8.5 milyong indibidwal o katumbas ng 2.3 milyong pamilya na ang kabuuang bilang ng mga lubhang apektado ng mga nagdaang kalamidad.

Mula rito ay 24,771 na mga pamilya o 91,006 na indibidwal ang nananatili sa 839 na mga evacuation centers sa buong bansa habang 32, 320pamilya naman o 123,624 na indibidwal naman ang nasa labas ng mga evacuation centers na hinahatiran rin ng mga paunang tulong ng mga otoridad.