Apektado sa naging pananalasa ni Bagyong Paolo ang hindi bababa sa 70,575 na pamilya o katumbas ng 225,557 na mga indibidwal ayon yan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa bilang na ito, halos 3,940 na mga pamilya o katumbas ng 11,964 na mga indibidwal ang nananatili sa 284 na mga evacuation centers sa bansa habang 2,997 na mga pamilya naman o katumbas ng 8,585 na indibidwal ang nannatili sa kanilang mga kamag-anak.
Sa kabila nito, wala naming naitalang nasawi, nasugatan o nawawala sa naging pananalasa ni Paolo sa banasa particular na sa Hilagang Luzon.
Maliban dito nagdulot naman ng malawakang pagbaha ang Bagyong Paolo sa Ilocos Region, Central Luzon at CALABARZON kung saan 27 mga munisipalidad pa ang nanatiling lubog sa baha hanggang sa ngayon.
98 mga main roads naman at 34 mga tulay ang nasira sa bagyo kung saan mula sa bilang na ito, 27 mga daanan at 32 mga tulay ang nananatiling not passable sa ngayon.
Samantala, sa kasalukuyan ay wala na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang naturang Bagyo.