-- Advertisements --

Pinalakas pa ng Office of Civil Defense (OCD) ang koordinasyon ng Department of INterior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kahandaan sa patuloy na epekto ng habagat at maging sa kasalukuyang banta ng parating pang mga sama ng panahon.

Ito ay kabilang sa aktivation ng mga local emergency operations centers, paghahanda ng mga evacuation centers at maging ng mga rescue units kabilang na ang paghahanda ng ilan pang kagamitan gaya ng mga supplies na dapat ay nakahanda nang magamit sa oras na kailanganin ito.

Agd ring ipinagutos ng OCD sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng mga pre-emptive evacutaion sa loob ng kanilang mga nasasakupang komunidad na siyang natukoy na flloded areas ng Mines and Geoscience Bureau (MGB).

Samantala, nanawagan naman ang ahensya sa publiko na panatilihing maging alerto at laging nakahanda ang kanilang mga go-bags upang maging handa sa oras na kailanganganin ng lumikas.