Hindi lubos makapaniwala si Senator Bong Go sa matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu.
Matatandaang bumisita ang senador sa Cebu matapos ang malakas na lindol sa rehiyon, ngunit ayon sa kanya, mas nakapanlulumong tanawin ang iniwan ng bagyo.
Sa muling pagbisita ni Senator Go, ang mga biktima ng kalamidad mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ay kaniyang pinuntahan upang alamin ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan, at upang maghatid ng kaunting tulong.
Mariin ang panawagan ng senador sa national government na gamitin ang lahat ng resources upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga nasalanta sa lalong madaling panahon.
Sinalubong si Senator Go ng daan-daang evacuees, kung saan kapansin-pansin ang matinding pangangailangan sa maayos at ligtas na evacuation centers.
Giit ng senador, na siya ring Vice Chairman ng Senate Committee on Finance, dapat tiyakin ng pamahalaan na ang pondo ng bayan ay napupunta sa mga proyektong tunay na may pakinabang, at hindi sa mga substandard na flood control o ghost projects.















