Walang pananagutan ang Pilipinas sa naging banggaan ng dalawang Chinese vessels sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ito ang paglilinaw ni Department of Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro.
Sinabi ni Lazaro na bagamat hindi kanais-naisa ang pangyayari, hindi ito kagagawan ng Pilipinas kundi ito ay resulta ng delikadong aksiyon ng dalawang Chinese vessels.
Nag-ugat ang insidente ng habulin ng China Coast Guard at Chinese warship ang barko ng Philippine Coast Guard ang BRP Suluan na nuong nagsasagawa ng maritime mission sa teritoryo ng bansa.
Una ng inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi aatras ang Pilipinas sa pag protekta sa maritime domain at sovereign rights nito sa West Philippine Sea.
“The PHL bears no responsibility for the collision between the PLAN vessel and the CCG vessel in Bajo de Masinloc. It was an unfortunate outcome, but not one caused by our actions,” pahayag ni Sec. Lazaro.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Secretary Lazaro na muling igiit ng Pilipinas ang kabayaran sa pinsalang idinulot sa mga sasakyang-dagat at kagamitan ng Pilipinas noong June 17, 2024, pati na rin ang pagbabalik ng mga sandata at kagamitan, at ang mga personal na gamit ng mga sundalo na ilegal na kinuha ng mga Chinese authorities.
” The PHL reiterates its demand to CHN for compensation for the damage caused to PHL vessels and equipment on 17 June 2024, as well as the return of its firearms and equipment, and the personal effects of its personnel that were illegally seized on that date,” dagdag pa ni Sec. Lazaro