-- Advertisements --

Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at South Korean President Lee Jae Myung ang strategic partnership ng dalawang bansa matapos nagkausap ang dalawang lider sa pamamagitan ng telepono kagabi.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng suporta mula sa mga partner coountries sa pagpapanatili ng maritime interest ng Pilipinas at mapanatili ang stability sa rehiyon.

Inihayag ni Pang. Marcos na naging produktibo ang kanilang pagu-usap sa telepono.

Ayon sa pangulo, natalakay nila ng Korean president ang pagpapalawak pa ng ugnayan ng dalawang bansa, partikular sa trade at investment.

Gayunrin para sa kooperasyon sa pagsusulong pa ng mga development initiatives na kapwa magbi-benepisyo ang mamamayan ng Pilipinas at South Korea.

Natalakay rin ang kooperasyon sa linya ng imprastruktura at people to people exchanges, kung saan binigyang diin aniya na ang Strategic Partnership ng dalawang bansa ay isang oportunidad para sa pagpapalawak at pagpapalalim pa ng relasyon nito

Binati ni Pangulong Marcos si Lee na nag-assume sa pwesto nuong June 4 at siniguro ang kaniyang suportad sa South Korean leader.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang South Korea sa kanilang tulong at suporta sa bansa.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Pangulong Marcos na makita si Lee sa gaganaping 2025 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, kung saan ang South Korea ang mag host ngayong taon.

Sa panig naman ni Lee, siniguro nito ang kaniyang suporta para sa isang malakas na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)–South Korea engagements.

Sa ngayon puspusan na ang paghahanda ng Pilipinas sa pag assume nito sa ASEAN chairmanship sa 2026.