Kapwa nasa Alaska na sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin para isagawa ang pagpupulong.
Personal na nagkamayan ang dalawang lider pagkababa lamang nila sa kani-kanilang mga eroplano bago isagawa ang pulong.
Ayon sa White House na hindi na magiging one-one meeting na ito dahil sa makakasama sa pulong ni Trump sina Secretary of State Marco Rubio at special envoy Steve Witkoff.
Magkakaroon din ng post-meeting lunch na dadaluhan din nina Rubio, Witkoff, Treasury Secretary Scott Bessent, Commerce Secretary Howard Lutnick, Defense Secretary Pete Hegseth at Trump’s chief of staff Susie Wiles.
Inaasahan na isa sa mga tatalakayin ng dalawang lider ay ang pagtigil ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Una ng hinikayat ng European Leader na dapat maisama sa pulong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sinabi naman ni Trump na kapag nagtagumpay ang pulong na ito nina Putin ay magsasagawa muli sila ng pulong kasama si Zelensky.