-- Advertisements --
Nanindigan si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov na ipapabuya na lamang nila sa korte ang kapalaran ng American Wall Street Journal reporter Evan Gershkovich.
Kasunod ito sa pagkakaaresto noong nakaraang linggo dahil sa inakusahan itong nag-iispiya.
Pahayag ito ni Lavrov matapos na tinawagan siya ni US Secretary of State Antony Blinken na nananawagan na pakawalan na ang journalist.
Inakusahan pa nito ang US at ilang mga bansa na tila pinupulitika na ng Russia ang pagkakaaresto sa nasabing journalist.
Kasalukuyang nakapiit si Gershkovich sa Lefortovo pre-detention center ng hanggang Mayo 29 at siya ay mahaharap sa 20 taon na pagkakakulong dahil sa reklamong pang-iispiya.