-- Advertisements --

Dumanas ng total blackout ang malaking bahagi ng El Nido, Palawan kasunod ng pagdaan ng bagyong Tino sa naturang probinsiya.

Mula alas-7:00 ng gabi nitong Martes, November 4 hanggang kaninang umaga ngayong Miyerkules (November 5) ay iniulat ng maraming lugar ang kawalan ng kuryente, batay sa inilabas na report ng Palawan Electric Cooperative, Inc.

Bagaman agad ding sinimulan ang inspection at assessment para sa restoration, maraming lugar pa rin ang patuloy na dumaranas ng kawalan ng power supply.

Naapektuhan ng bagyo ang ilang transmission lines at iba pang power facilities sa naturang probinsya, kasunod ng pagtumbok dito ng bagyong Tino.

Maliban sa power supply, napinsala rin ng malalakas ng hangin ang Globe Tower sa Barangay Sibaltan, habang maraming mga punong-kahoy ang bumagsak at humarang sa ilang mga kalsada.

Sa kasalukuyan, nakakaranas ang probinsiya ng Palawan ng mahigit 200 millimeters ng ulan dahil sa epekto ng bagyong Tino.