-- Advertisements --

Umabot na sa ₱4.13 bilyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ng mga bagyong Tino at Uwan. P

Ang nasabing halaga ay resulta ng mga pagkasira sa mga pananim, imprastraktura, at kagamitan na ginagamit sa pagtatanim at pangingisda.

Dagdag pa rito, ayon sa datos na inilabas ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management Division, mas lumaki pa ang bilang ng mga magsasaka at mangingisdang direktang naapektuhan ng mga bagyo.

Batay sa isinagawang assessment o pagtatasa ng Department of Agriculture (DA), tinatayang nasa 43,882 ektarya ng mga agricultural areas o mga lupang sakahan ang naapektuhan ng mga bagyo.

Bukod pa rito, umabot na sa 19.15 milyong metric tons ang pagkalugi sa produksyon ng agrikultura dahil sa mga nasirang pananim at mga palaisdaan.

Kabilang sa mga rehiyon na napinsala ng bagyo ang CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at CARAGA Regions.

Gayunpaman, sa kabila ng mga pagsubok na ito, tuloy-tuloy pa rin ang ipinagkakaloob na tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga nasalantang magsasaka at mangingisda.

Mahigpit pa ring binabantayan ng ahensya ang presyo at galaw ng mga agricultural commodities o mga produktong agrikultural sa mga pamilihan.