-- Advertisements --

Hinimok ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang gobyerno na agarang kumilos para tugunan ang lumalalang krisis sa industriya ng asukal, kung saan bumabagsak ang mill gate prices sa ibaba ng production cost, at lalo pang nalulubog sa pagkalugi ang mga sugar farmers.

Bagama’t tinanggap ni Zubiri ang pansamantalang paghinto ng sugar imports para 2026 ng Department of Agriculture, iginiit niya na hindi ito sapat. Kailangan aniya ng mas malawak na tulong, tulad ng capital infusion, government buying program, at full utilization ng Sugar Development Fund (SDF) para matiyak ang matatag na kita ng mga magsasaka at makatarungang presyo para sa konsyumer.

Bukod sa presyo, binigyang-diin ni Zubiri ang panganib ng smuggling at illegal sugar substitutes, gaya ng high-fructose corn syrup, na puwedeng lalo pang makasagasa sa industriya kung hindi mahigpit na pipigilan. (report by Bombo Jai)