Bahagyang lumakas ang bagyong Tino habang ito’y kumikilos palayo sa hilagang bahagi ng Palawan, ayon sa pinakahuling ulat ng panahon.
Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Weather Center, tinatayang nasa 190 kilometro kanluran ng Coron, Palawan ang sentro ng bagyo.
Naitala ang lakas ng hangin nito na 130 km/h malapit sa gitna.
May pagbugso naman ng hangin na hanggang 180 km/h.
Kumikilos ito pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.
Signal No. 4
Luzon: Pinakahilagang bahagi ng Palawan (El Nido)
Signal No. 3
Luzon: Hilagang bahagi ng Palawan (San Vicente, Taytay)
Calamian Islands
Signal No. 2
Luzon: Silangan at gitnang bahagi ng Palawan (Puerto Princesa City, Roxas, Dumaran, Araceli)
Kalayaan Islands
Signal No. 1
Luzon:Occidental Mindoro, kabilang ang Lubang Islands
Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Bongabong, Roxas, Bulalacao, Mansalay)
Katimugang bahagi ng Palawan (Aborlan, Quezon, Narra, Sofronio Española)
Cuyo Islands















