-- Advertisements --

Magpapakala ang US military ng mahigit ng mahigit na 4,000 na Marines at sailors sa karagatang bahagi ng Latin America at Caribbean.

Layon nito ay para mapaigting ang paglaban nila sa drug cartels na pumapasok sa US.

Mayroong ipinakalat na Iwo Jima Amphibious Ready Group (ARG) at 22nd Marine Expeditionary Unit ng US Southern Command ay bahagi na rin ng mas malawak na repositioning ng military assets sa SOUTHCOM area of responsibility.

Humiling din sila ng pagpapakalat ng nuclear-powered attack submarine, dagdag na P8 Poseidon reconnaissance aircraft, ilang destroyers at guided-missile cruiser.

Una ng inilagay ng US military ang destroyers sa lugar na napapalibot sa US-Mexico border noong Marso bilang suporta sa US Northern Command’s border security mission at aalalay sa presensya ng US sa western hemisphere.