-- Advertisements --

Humiling ang US government ng extradition laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kinumpirma ni n Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez ang pagpapadala ng US government ng dokumento sa Department of Justice ukol sa nasabing usapin.

Dagdag pa ng opisyal na mula pa noong buwan ng Hunyo ang hirit na ito ng US Government.

Si Quiboloy na founder ng Kingdom of Jesus Christ ay pinaghahanap dahil sa
pagkakasangoko sa labor trafficking scheme na nagdadala sa mga miyembro ng simbahan sa US at pinepeke ang mga visas.

Sapilitan umanong pinaghihingi ng donasyon ang mga miyembro para sa bogus na charity subalit ito ay ginagastos sa magarbong pamumuhay umano ni Quiboloy.

Ang extradition treaty ay pinirmahan noong 1994 ng US at Pilipinas kung saan lahat ng mga extradition ay isusumite sa pamamagitan ng diplomatic channel kung saan ito ay suportado ng mga dokumento sa pagkakakilanlan at lokasyon ng tao na pinaghahanap.

Nakasaad sa tratado na minamandato ang Pilipinas na agad na ipaalam sa US sa pamamagitan ng diplomatic channel ang desisyon ukol sa diplomatic channel.

Kapag naaprubahan ang request ay sasang-ayon ang contracting parties sa oras at lugar para sa pagsuko sa taong hinahanap.