Nais ngayong ipatupad ng Estados Unidos ang pagpapadala ng mga nuclear power reactor sa Buwan at Mars bago matapos ang 10 taon.
Sa isang bagong direktiba ng NASA na may petsang Hulyo 31 at pinirmahan ni acting NASA chief at US Transportation Secretary Sean Duffy, inaatasan ang ahensya na pumili ng dalawang commercial proposal sa loob ng anim na buwan.
Ito’y tugon sa plano ng China at Russia na magtayo rin ng nuclear reactor sa Buwan pagsapiit ng kalagitnaan ng 2030.
Posible daw kasing maapektuhan ang Artmis program ng Estados Unidos para sa mga bansang gustong makapaglagay ng nuclear reactor sa Buwan na maaring mag lagay ng ‘keep-out zone.’
‘The first country to do so could potentially declare a keep-out zone which would significantly inhibit the United States from establishing a planned Artemis presence if not there first,’ pahayag pa sa memo.
Bagaman matagal nang pinag-aaralan ng NASA ang paggamit ng nuclear energy sa kalawakan, wala pang paglulunsad hinggil dito. Noong 2023, nakumpleto ng NASA ang tatlong kontratang nagkakahalaga ng $5 million bawat isa para pag-aralan ang 40-kilowatt systems na sapat para paandarin ang 30 kabahayan sa loob ng 10 taon.
Ayon sa NASA mas epektibo umano ang fission systems kumpara sa solar power dahil kaya nitong mag-operate kahit sa lunar night o dust storms sa Mars.
Noong Disyembre 2024, pormal nang inaprubahan ng NASA ang paggamit ng nuclear power para sa Mars missions, na nangangailangan ng higit 100 kilowatts ng kuryente para sa matagalang operasyon ng mga astronaut, gaya ng komunikasyon, life support, at pagkuha ng yelo sa ibabaw ng planeta.
Target ng NASA na maging handa sa paglulunsad pagsapit ng huling bahagi ng 2029, gamit ang isang “heavy class lander” na may kapasidad na 15 metriko tonelada.
Gayunpaman, ang Artemis 3, ang unang misyon na may sakay na astronaut para sa paglapag sa Buwan, ay naurong sa 2027.
Samantala, target din ng China ang kanilang unang crewed Moon mission pagsapit ng 2030.