-- Advertisements --

Plano ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na magpadala ng mga astronauts sa buwan.

Ayon sa US space agency na isasagwa ang 10-araw na biyahe sa buwan sa Pebrero ng susunod na ton.

Huling nagpadala ang NASA ng astronaut sa buwan ay noon pang 50 taon na ang nakakalipas.

Mayroong apat na astronaut na silang ipapadala para sa isang test missions.

Ang Artemis II mission ay pangalawang nailunsad mula sa Artemis programme na ang layon ay para makarating ang mga astronaut sa buwan at magkaroon ng pangmatagalang presensya doon.

Unang inilunsad ang Artemis mission ay noong Nobyember 2022 kung saan wala itong crew at nagtagal ng 25 araw sa ibabaw ng buwan.
Ang mga astronaut ay kinabibilangan nina Reid Wiseman, Victor Glover, at Christina Koch ng NASA at si Jeremy Hansen ng Canadian Space Agency.