Ligtas na nakabalik sa mundo ang apat na austronauts na galing sa International Space Station (ISS).
Napaikli ng isang buwan ang kanilang pananatili sa ISS dahil sa serious medical issue.
Unang lumabas sa spacecraft ang crew captain na si Nasa astronaut Mike Fincke na sinundan ni Zena Cardman, Kimiya Yui ng Japan at cosmonaut Oleg Platonov.
Ang grupo na tinawag na Crew-11 ay binigyan ng medical attention bilang standard procedure.
Dumating sa ISS noong Agosto 11 at inaasahan na matapos ang standard na anim at kalahating buwan na pananatili kung saan dapat ay sa Pebrero pa sila uuwi.
Dahil dito ay nasa kontrol ni Russian cosmonaut Sergey Kud-Sverchkov ang ISS.
Ito ang unang pagkakataon kung saan ang mga astronauts ay pinalikas dahil sa isyu ng kalusugan mula ng itaguyod ang station sa orbit ng mundo noong 1998.
















