-- Advertisements --
Binawalan na ng US space agency na National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mga Chinese citizens na may valid US visas na makapasok sa kanilang pasilidad.
Nagsimula ang panuntunan noong Setyembre 5 ng lahat ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho bilang contractors o estudyante na tumutulong sa research ay nawalan ng access sa lahat ng systems at pasilidad ng NASA.
Ayon sa NASA na ginawa nila ang paghigpit sa mga Chinese nationals na gumamit ng pasilidad at materyales para matiyak ang seguridad ng kanilang trabaho.
Magugunitang naalarma ang US ng umarangkada ang space program ng China kung saan ang dalawang bansa ay nag-uunahan sa nasabing mga programa.