-- Advertisements --

Muling nakakumpiska ang US ng isang oil tanker sa Caribbean Sea.

Ayon sa US Southern Command, na sa pamamagitan ng koordinasyon sa Department of Homeland Security ay inilunsad nila ang operasyon mula sa USS Gerald R. Ford at kinumpiska ang Tanker Olina sa Caribbean Sea.

Ang Timor-Leste flagged tanker ay naglalayag malapit sa Venezuela.

Ito na ang pangatlong tanker na kinumpiska ng US sa loob lamang ng isang linggo kasama na ang Russian-flagged vessel sa Atlantic Ocean at isa naman sa Caribbean.

Una ng sinabi ni US President Donald Trump na hindi ito natatakot at patuloy ang kanilang gagawing pagkumpiska sa mga oil tanker na konektado sa Venezuela.