-- Advertisements --

Muling nagsagawa ang US military ng airstrike sa isang bangka sa Caribean Sea na hinihinalang may kargang iligal na droga.

Kinumpirma ni US Secretary of Defense Pete Hegseth, ang ikawalong airstrike sa Pacific.

Sa kabuuang walong airstrikes ay aabot na sa 34 katao ang nasawi.

Dagdag pa nito na ang nasabing bangka ay inooperate ng Designated Terrorist Organization na nagsasagawa ng narco-trafficking sa Eastern Pacific.

Tiniyak nito na hindi sila titigil na sugpuin ang mga pagkalat ng iligal na droga sa kanilang pantalan.