Hinimok ng US military si US Pres Joe Biden na maglabas na ng desisyon kung palawigin pa ang evacuation ng tropa ng militar sa Afghanistan sa Agosto 31.
Layunin nito ay upang magkaroon ng sapat na panahon na mag-withdraw ang 5,800 troops na kasalukuyang nasa naturang bansa lalo na ang kanilang mga equipment at armas.
Kung sasang-ayon ang pangulo, inaasahan ng militar na may mga araw pa na matulungan ng tropa ang mga Afghans na makaalis sa Afghanistan bago magsimula ang pag-withdraw ng mga puwersa ng US sa nasabing bansa.
Napag-alaman na hanggang ngayon ay hindi pa makapagpasya si Biden kung kailangan pang palawigin ang deadline sa pagpapaalis ng tropa ng Estados Unidos.
Kung maalala, marami sa mga tagapayo ng pangulo ang nagpanukala laban sa isang extension dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng seguridad sa nasabing lugar.