Walang tigil ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa mga natabunan ng mga gumuhong gusali at bahay matapos ang pagtama ng magnitude 6 na lindol sa Afghanistan.
Maraming mga sugatang biktima ang dinala na sa mga pagamutan.
Nanawagan na ang United Nationsl High Commissioner for Refugees (UNHCR) sa mga bansa na agad na magpadala ng tulong.
Nagpadala na rin ng mga tauhan ang Islamic Relief mula sa United Kingdom para tumulong sa paghahanap ng mga nawawala dahil sa lindol.
Hindi pa matiyak ngayon ng International Federation of the Red Cross at Red Crescent Societies (IFRC) kung ilan at magkano ang kabuuang damyos sa nasabing lindol sa Eastern Afghanistan.
Malaking hamon din sa mga rescuers ang pagkagat ng dilim ganun din ang mga patuloy na nararanasang aftershocks.
Nagpadala na rin ng tulong ang UN World Food Programme (WFP) para sa mga biktima ng lindol.
Inaasahan ng mga otoridad na tataas pa ang bilang ng mga nasawi kung saan sa inisyal ay nasa mahigit 800 na at mayroong halos 3,000 naman na ang sugatan.
Naglaan naman ang Afghan government ng $1.46 milyon bilang tulong sa lahat ng mga nakaligtas ng lindol.