US troops gulf
U.S. forces readiness (photo from @Deptofdefense)

Magpapadala ng karagdagang sundalo ang America sa Middle East para kontrahin ang kasalukuyang banta ng Iran.

Ayon kay Defence Secretary Patrick Shanahan, maglalagay sila ng karagdagang sundalo, fighter jets at engineers.

Naabisuhan na rin nila ang kongreso para sa nasabing operasyon.

Ang hakbang aniya ay para matiyak na maprotektahan ang mga US forces laban sa banta ng Iran Revolutionary Guard Corps.

Sinabi naman ni US President Donald Trump na maliit lamang ang bilang na ipinadala nila sa lugar.

Nauna rito, tumaas ang tension sa pagitan ng US at Iran kung saan nagpadala ng mga aircraft carrier ang US sa Gulf region.