-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ng kanselasyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 9 dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ito ay kasunod na rin ng mabibigat na pag-ulang naranasan sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya nitong gabi ng Martes bunsod ng thunderstorms.

Sa Metro Manila, kanselado ang face to face classes sa lahat ng antas sa pampublikong eskwelahan sa Muntinlupa City habang binigyan naman ang mga pribadong paaralan sa siyudad ng discretion kung sususpendihin ang kanilang klase o hindi.

Gayundin sa Las Piñas, walang face-to-face classes sa public at private schools sa lahat ng antas.

Sa lalawigan naman ng Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga eskwelahan at nag-shift sa modular classes sa may Naic, Tanza, Bailen, General Trias City, Kawit, Mendez, Trece Martires, Alfonso, gayundin sa General Emilio Aguinaldo, Amadeo at Tagaytay City.

Sa Laurel, Batangas, kanselado na rin ang klase sa lahat ng public at private schools.

Sa Biñan, Laguna, suspendido na rin ang face to face classes sa public at private schools.