-- Advertisements --

Aminado ang ilang US health experts na mahihirapan ang bansa na labanan ang coronavirus dahil na rin sa maling disiplina ng mga tao.

Sinabi ni Dr. Anne Schuchat, ang principal deputy director ng US Center for Disease Control and Prevention, na maraming mga estado ang ipinpagpaliban o kinansela ang pagbubukas ng kanilang lugar.

Ikinakabahala din ito na kapag niluwagan na ang mga estado ay tiyak na tataas ang kaso ng COVID-19.

Magugunitang aabot na sa mahigit 2.5 million ang kaso ng coronavirus ang naitala sa US at mayroong halos 127,000 na ang nasawi dahil sa COVID-19.