-- Advertisements --
Inihayag ng isang US medical expert na hindi basta-basta ang sabay-sabay na pagtanggal na ng lockdown.
Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases, na ang pagtanggal ng restriction ay depende sa lugar ganoon din dapat ay nasa gradual process ang pagbubukas muli ng US.
Hindi aniya ito tulad ng switch sa ilaw na sabay-sabay na magsisindi ang ilaw.
Pinangangambahan kasi nila ang muling pagbabalik ng nasabing virus.
Kanilang pag-aaralang maigi ang kalagayan pagkatapos ng Abril kung nararapat na bang tanggalin ang lockdown.