-- Advertisements --
Tinawagan ni Russian President Vladimir Putin ang ilang mga kaalyado nito matapos ang pulong niya kay US President Donald Trump.
Kinausap ni Putin sa telepono sina Belarusian President Alexander Lukashenko at Kazakhstan President Kassym-Jomart Tokayev.
Tinalakay nila ang ilang mga napag-usapan nila ni Trump sa Alaska.
Binati ng Kazakhstan president si Putin dahil sa matagumpay na pulong nito kay Trump.
Una rito ay nagpulong si Trump at Putin para isulong ang ceasefire nila sa Ukraine.