Tinatayang aabot sa mahigit 14,000 na mga pasyente ang na-discharge nang walang binayaran sa ilalim ng Zero Balance Billing program ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH).
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa East Avenue Medical Center kaninang umaga kaniyang binigyang-diin na mahalaga na mabatid ng ating mga kababayan na maari nilang i-avail ang programa sa 83 DOH hospitals sa buong bansa.
Sa ngayon ayon sa Pangulo, unti unti nang nalalaman ng publiko ang BBM Bayad na Bill Mo program o ang zero balance billing system sa mga ospital ng Department of Health.
Sa kabilang dako, inihayag ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na mula nang ianunsyo ng Pangulo ng bagong sistema, napakinabangan na ito ng 12,000 na mga pasyente sa Eastern Visayas Medical Center.
Habang nasa 2400 na pasyente mula sa East Avenue Medical Center ang nakinabang sa programa.
Mayroon namang apat na GOCC hospitals na rin ang nagpapatupad nito basta sa tinatawag na basic accomodation o ward.