Nagpasalamat ang Liga ng mga Barangay (LnB) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpirma sa Republic Act No. 12232 na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026 at nagpapalawig sa termino ng mga kasalukuyang opisyal.
Ibinigay ng LnB, sa pangunguna ni National President Maria Katrina Jessica Dy, ang Resolution No. 13-2025 sa Malacañang bilang pasasalamat sa suporta ng Pangulo ng mag courtesy call ito kahapon.
Tinalakay din sa pulong ang mga panukalang reporma sa barangay governance, tulad ng leadership training, Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB), at mga prayoridad na batas gaya ng Magna Carta para sa Barangay Officials.
Kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga barangay at hinikayat ang mahigpit na koordinasyon ng LnB at DILG para sa mga programang pangkaunlaran.
Ang Liga ng Barangay ay kinakatawan nang mahigit 42,000 barangay sa buong