Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kredensiyal ng limang bagong non-resident ambassadors sa isang seremonya sa Malacañang na isinagawa kahapon.
Ipinagkaloob sa Pangulo ang letters of credence nina Mohamed Trabelsi ng Tunisia, Miguel Angel Ubaldino Romero Alvarez ng Paraguay, Bibata Nebie/Ouedraogo ng Burkina Faso, Anjanette Kattil ng Marshall Islands, at Ivana Golubović-Duboka ng Serbia.
Ang presentasyon ng kredensiyal ay opisyal na nagmamarka sa simula ng kanilang diplomatic tenure bilang kinatawan ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas at nagpapakita ng pagtibay ng ugnayang bilateral at internasyonal na kooperasyon.
Naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas sa Tunisia noong 1975; Paraguay, 1962; Burkina Faso, 2002; Marshall Islands, 1988; at Serbia, 1972.
Tiniyak naman ng mga non-resident ambassadors ang pinalakas na bilateral ties ng kani-kanilang mga bansa at ang Pilipinas.
















