-- Advertisements --

Binigyan ng Commission on Election (COMELEC) ng 10 araw si Senator Rodante Marcoleta para ipaliwanag ang mga campaign donations noong elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na hindi isinama ng Senador sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong Mayo 2025 elections ang mga elections donors.

Dagdag pa ni Garcia na nagbigay na sila ng show cause order sa hindi pagsama ng campaign donors at ang discrepancy sa SOCE at sa kaniyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Nilinaw pa ng Comelec Chairman na paliwanag pa lamang ito para maayos ang isyu dahil kulang ang mga nakalagay sa kaniyang SOCE.