-- Advertisements --

Inilahad naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tatlong pangunahing yugto ng isinasagawang pagrepaso ng pamahalaan sa mga umano’y “ghost projects” at iregularidad sa ilang subsprojects, na layong tukuyin ang mga pagkukulang, pananagutan, at kinakailangang reporma sa burukrasya.

Ayon kay Marcos, ang unang yugto ay ang pagtukoy sa mismong mga proyekto at subsprojects na ipinagagawa ngunit hindi naisakatuparan. 

Kabilang dito ang beripikasyon kung alin ang may problema at kung ano ang naging kabiguan sa implementasyon.

Ang ikalawang yugto ay ang pagtukoy sa mga taong dapat managot.

Panghuli, tiniyak ng Pangulo na mahigpit na tinutukan umano ng administrasyon ang mga repormang dapat ipatupad batay sa mga natuklasan. 

Ayon sa Pangulo, isa sa pinakamalinaw na lumitaw sa imbestigasyon ay ang pagkawala ng transparency sa mga proseso ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Marcos na ang pagpapanumbalik ng malinaw at bukas na proseso sa pamahalaan ang isa sa pinakamahalagang hakbang upang maiwasan ang pag-uulit ng ganitong uri ng katiwalian.