Lalong lumakas ang bagyong “Verbena” habang nasa West Philippine Sea at isa na ngayong Severe Tropical Storm.
Batay sa datos, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 375 kilometro kanluran ng Coron, Palawan o 310 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa sentro at bugso na hanggang 115 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.
Umaabot hanggang 280 kilometro mula sa sentro ang lakas ng hanging dala ng bagyo.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Kalayaan Islands habang ang babala sa ibang lugar ay tinanggal na.
Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na maging handa sa posibleng epekto ng malakas na ulan at hangin na dala ng bagyong Verbena.
















