Pinakansela ng Pasig City Regional Trial Court ang pasaporte nina dating presidential spokesperson Harry Roque at Katherine Cassandra Li Ong.
Bukod sa dalawa ay kasamang kinansela ng Pasig RTC 157 ang mga pasaporte nina dating Technology Resource Center executives Dennis Cunanan, Ronelyn Baterna, at Mercides Macabasa.
Ang mga ito ay nahaharap sa kasong human trafficking case dahil sa pagkakasangkot umano sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub Lucky South 99 at Whirlwind Corporation.
Kinontra ni Roque ang hakbang sa pagkansela ng kaniyang pasaporte at sinabing hindi naman ito pugante.
Giit nito na ang mga fugitive ay siyang tumatakas matapos ang conviction para maiwasan ang parusa o makasuhan sa korte at maiwasan ang prosecution.
Sumang-ayon naman ang korte na hindi naman pugante si Roque bago ito nakabiyahe sa ibang bansa ay hindi naman siya nakasuhan.
Subalit ang pag-alis niya na alam niyang may inihahandang kaso ay siyang malinaw na pag-iwas nito.
Hindi naman mahanap sa kanilang mga address sina Ong at Cunanan kung saan maituturing sila ay pugante.
Naglabas din ang korte ng hold departure order sa mga sumusunod na indibidwal: Ong, Baterna, Cunanan, Norman Macapagal, Stephanie Mascareñas, Michael Mascareñas, Rodrigo Bande, Lowe Yambao, Jessie Rallos, Josefine Mascareñas, Haidee Uy, Niña Myra Cervantes, Sam Sy, Raymond Go, Randell Go, Daniel Salcedo jr., Chona Alejandre, Crispin Medina, Renato Bautista, Wharman Mariano, Chris Jude Flores, Allan Salvador, Marlon Funcion, Giorgia Salvador, Mark Anthony Salvador, Mercides Macabasa at Ley Tan.














