-- Advertisements --

Nakipagpulong ngayong araw sa Independent Commission for Infrastructure (ICI0 ang Bureau of Customs (BOC) hinggil sa 13 luxury cars na pag-aari umano ng mag-asawang Discaya na nakitaan ng kakulangan sa mga dokumento.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, tututukan ng kanilang ahensya ang mga inangkat o inimport ng mga kontratista upang tiyakin kung tama ang binayarang buwis at kumpleto ang papeles.

Dagdag pa ni Nepomuceno, isasailalim na rin sa pagsusuri ang top 15 kontratista na nabanggit ng Pangulo. Bagaman inaasahang tatagal ang proseso para rito, kailangan na itong masimulan.