Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na ihanda ang emergency go bag sakaling kailanganing lumikas dahil sa posibilidad ng tsunami kasunod ng tumamang malakas na magnitide 7.4 na lindol sa Davao Oriental kaninang umaga, Oktubre 10.
Ayon sa ahensiya, kabilang sa mga dapat na ihandang laman ng Go Bag para sa mabilis na paglikas ay ang pagkain kabilang ang tubig, snacks, utensils at canned goods.
Mahalaga ding ilagay sa Go bag ang First aid kit, gaya ng alcohol, band aid, povidone-iodine, ointment sa sugat, paracetamol, mefenamic acid at maintenance medicine.
Gayundin ang toiletries kabilang ang extra masks, toothbrush, sanitary pads, hand sanitizer, insect repellent, toothpaste, tissue, shampoo at sabon.
Ilan pa sa mga gamit na dapat isama sa emergency go bag ay can opener, kumot o balabal, powerbank, extension card, pocket knife, battery operate radio, magaang jacket, flashlight, charger, tsinelas at kapote.
Pinapayuhan din ang publiko na sakaling may emergency agad na tumawag sa hotline na 911 o sa DOH hotline 1555 at pindutin ang number 3.