-- Advertisements --

Plantsado na ang lahat — 

Ito ang naging pahayag ni Senadora Imee Marcos, kung saan tiyak umano siya na si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang uupo bilang bagong Ombudsman.

Paglalarawan ni Marcos, tila “tumambling” umano si Ombudsman Dante Vargas upang i-dismiss ang kaso ni Remulla.

Giit pa ni Marcos, tila pinipilit umano ang pagpapakulong kay Vice President Sara Duterte kaya nais italaga si Remulla bilang Ombudsman.

Dagdag pa niya, mukhang palabas lamang ang paglabas ng shortlist ng mga pangalan para sa posisyon.

Ani Marcos, ang Ombudsman ay dapat nagsisilbing bantay sa mga opisyal ng pamahalaan—ngunit bakit, aniya, magtatalaga ng isang kaduda-dudang personalidad?

Dismayado rin ang senadora kaya hindi niya sinuportahan ang ad interim appointment ng mga bagong miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na isinalang sa makapangyarihang Commission on Appointments.