Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang magbigay ng seguridad sa mga itatayo at itatalagang evacuation centers matapos na yanigin ng lindol ang Davao Region ngayong umaga.
Sa iang pulong balitaan sa Camp Crame, kinumpirma ni PNP Spokesperon at Public Information Chief PBGen. Randulf Tuano na may mga naitala nang mga evacuation centers sa lugar na siyang inaasahang dadagsain ng mga apektadong residente bunsod ng lindol.
Sa ngayon dahil nagsagawa na ng force evacuation ang mga otoridad, tiniyak ni Tuano na nakatalaga na ang kanilang hanay para tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa mga gagamiting pansamantalang tuluyan ng mga apektado ng kalamidad.
Samantala, magmula naman ng magbigay na ng kaniyang direktiba si Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., dahil sa lakas ng lindol ay automatic na nagpabatid ng assistance at tumugon ang pulisya bilang isa sa mga frontliners ang PRO XI para sa mga rescue, relief at security operations sa lugar.