-- Advertisements --

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, na mayroong apat na nasawi at 30 porsyento na tumaas ang kaso sa loob ng dalawang linggo.

Mula Setyembre 10 hanggang Oktubre 7 ay mayroong 993 kaso ng dengue.

Nangangahulugan nito na mayroong 30 percent na pagtaas sa loob ng 14 na araw o may average na 40 na kaso kada araw.

Ngayong taon ay mayroon ng 30 nasawi dahil sa dengue.

Ang mga nasawi ay mula sa Barangay ng Batasan Hills, Doña Imelda, Krus na Ligas, at Roxas.

Patuloy ang ginagawa nilang pag-iikot para payuhan ang mga residente ng pag-iwas na madapuan ng dengue.