-- Advertisements --

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw ang lisensya ng isang driver na makikita sa video sa social media na may kandong na bata habang nagmamaneho at pinahintulutang hawakan at kontrolin ang manibela.

Batay sa show cause order ng LTO, nangyari ang insidente sa parking lot ng isang mall sa Parañaque City noong Martes, Agosto 12.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapahintulot sa mga bata na magmaneho o humawak sa manibela, dahil ito ay mapanganib at labag sa batas sa kalsada.

Dagdag ng LTO, magsisilbi itong paalala sa lahat ng motorista na laging unahin ang kaligtasan ng mga pasahero, lalo na ng mga bata.