Nakatakdang bumisita sa White House si Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Kasama ni Zelensky na makaharap si US President Donald Trump ang mga lider ng United Kingdom, France, Germany, Italy, Finland, European Commission at North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Ang nasabing pulong ay isinagawa matapos ang personal na pagkikita nina Trump at Russian President Vladimir Putin.
Tatalakayin sa nasabing pulong ang tuluyang pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Itinanggi naman ni United States Secretary of State Marco Rubio na kaya sasamahan ng mga European Leader si Zelensky ay para hindi siya ma-bully ni Trump.
Magugunitang sa unang pagbisita kasi ni Zelensky sa White House ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sila ni Trump ukol sa pagsulong ng ceasefire.