-- Advertisements --

Ipinapa blacklist ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang SYMS Construction Trading na siyang contractor sa flood control project sa Barangay Piel, Baliwag, Bulacan.

Ayon sa Pangulo, bukod sa pagblacklist, haharap din sa mga kaso ang naturang kumpanyan sa ilalim ng Revised Penal Code at RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Pagtiyak ng Pangulo na hindi niya palalampasin ang naturang anomalya at tiniyak na suspendihin at kakasuhan din ang lahat ng opisyal na sangkot sa sabwatan.

Kakaharapin umano nila ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, malversation of public funds, at falsification of public documents.

Nasa ₱55 milyon ang binayad ng gobyerno para sa isang concrete river wall project sa Brgy. Piel, ngunit sa isinagawang inspeksyon ng Pangulo ay wala man lang naitayong pader o kahit isang hollow block.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, hindi rin nakalista sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasabing proyekto.