Maglalabas ang Department of Health (DOH) ng bagong guideliens sa pagbibigay ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) bago matapos ang buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Health Spokesperson ASec. Albert Domingo, ang bagong guidelines ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbabawal sa paggamit ng guarantee letters mula sa mga halal na opisyal para mabayaran ang mga hospital bill ng mga pasyente sa mga ospital, na nakasaad sa probisyon sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).
Sa ilalim ng nirepasong MAIFIP framework, papalawigin pa ng DOH ang saklaw na benepisyo para maisama ang outpatient at specialized services.
Kabilang dito ang ambulatory care, ambulatory surgical clinics, eye centers, opthalmology services, dental services, free-standing dialysis clinics, at mga gamot na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).
Ayon kay ASec. Domingo, isa sa pinakamalaking pagbabago ay ang ganap na pagsama sa professional fees ng mga doktor.
Paliwanag ng DOH official na ang expanded coverage ay popondohan mula sa mas mataas na alokasyong pondo para sa MAIFIP ngayong taon.
















