-- Advertisements --

Inatasan na ni US President Donald Trump ang kaniyang security team na makipagtulungan sa mga European countries.

Bahagi ito sa pagsusulong ni Trump ng ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni White House Press Secretary Karoline Leavitt na naniniwala si Trump na matutuloy ang pag-uusap nina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Nakahanda naman ang US na magpadala ng kanilang mga sundalo para matiyak ang seguridad sa Ukraine.

Magugunitang pinuri ni Zelensky ang ginawang pagpupursigi ni Trump para tuluyang matapos na ang giyera nila ng Russia.